Lunes, Hunyo 27, 2011

seamanloloko ka pala


tinanong niya ako
kung ako sa iyo ba ay may gusto
at ano ang inaasahan mo?
sasabihin ko ang totoo?

hindi ako bobo
hindi tulad ng inaakala mo
syempre ang sinagot ko
ay ‘no’ at hindi oo

magsisinungaling ako
kahit ikaw ay  magalit at magtampo
hindi ko sasabihin ang totoo
sapagkat certefied sinungaling kaya ako

kahit ganoon ay alam ko sa sarili ko
na sa iyo ako ay may gusto





creacted: december 29, 2010
created by: R.Abadilla

Linggo, Hunyo 26, 2011

first day high


napansin ako lang ito ngayon
ang bilis talaga ng panahon
patapos na pala ang bakasyon
at papalitan na ito ng edukasyon

kahit bakasyon ay mabilis lamang
hindi ako naging mangmang
oras ay aking ginalang
hindi ko ito sinayang

ngayong bakasyong ito ay napakasaya
hinding hindi ito mabubura sa aking alaala





dated created: January 1,  2011
created by: R. Abadilla

Biyernes, Hunyo 24, 2011

manul


kahit hindi pa tayo
magkikila masyado
Ay! ewan ko
ako sa iyo ay nagkagusto

talagangang masasabi mo
na ako ay bobo
walang laman ang ulo
at maluwag ang mga turnilyo

ngunit ano ang magagawa ko
nahulog na talaga ako sa iyo





date creaed: december 31,2010
created by: R. Abadilla

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

indian pana


langit ka at lupa naman ako
kahit ang pinakamatayog na bundok sa mundo
hindi kayang abutin ang taas mo
agwat nating dalawa ay napakalayo

ngunit kahit maging magkasing-taas na tayo
masasayang lang ang pawis at dugo
na binuwis ko para makarating sa iyo
sapagkat sa akin ay wala ka namang gusto

masakit sa akin ang tanong na ito
hanggang pangarap ka na lang ba ng aking puso?





date created: december 27 - 28, 2010
created by : R.Abadilla

Lunes, Hunyo 20, 2011

apology hope to be accepted


kahit wala po kayong ginawa
na sa akin po ay nakakasama
inaway pa rin po kita
binasos po kita at minura

ako po ay naging maldita
at mali po ang aking ginawa
ako po sana ay patawarin na
hindi ko naman po sinasadya

pangako hindi na po uulit pa
ako ay pinapatawad mo na po ba?





date created: december 28, 2010
created by : R.Abadilla

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

pasko sa pinas


ang mag-inang ito
sobrang nakakalito
magkaiba ang lugar na gusto
kung saan magpapasko

ang ina ay sa Amerika
ang anak naman ay sa Britania
kawawang mag-ina
iniwan ng mga minamahal nila

kaya sa Pilipinas na lang nagpasko
ang mag-inang walang pang-eroplano





date created: december 25, 2010
created by : R.Abadilla

Martes, Hunyo 14, 2011

hiling


sa iyong panalangin
mag-ingat sa inyong mga hihilingin
sapagkat ang DIYOS sa taas ay tumitingin
at KANYA itong didinggin

nakakahiya man ay aking aaminin
nagdasal akong sana mawala ang aking pagtingin
sa lalaking napakabait ng turing sa akin
at tinupad ng DIYOS ang aking dalangin

huwag sana kayong tutulad sa akin
sinaktan ko ang aking sariling damdamin





date created: december 25, 2010
created by : R.Abadilla

Linggo, Hunyo 12, 2011

about myself


It is a little bit had to describe myself but just compare me to a watermelon. My sun is my family. They always right there to give me sunlight of hope. But sometimes the cloud of problems covers them. And we know hat they also need to leave as a day should end and the night should come. My water is my friends. Maybe you are thinking why watermelon. It is because I don’t need too much water. But I am afraid that drought will come and my few friends need to leave. But I know of a man that will never leave me. He is GOD. He is the gardener of my life. He destroys weeds of imperfection, problem and hatred. He sprays away the bugs of sickness that kills me slowly. He waters me strength and fertilizes me faith until I grow, bear fruit and can be harvested.
 

Copyright © 2008 Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez | Blog Templates created by Web Hosting Men