Biyernes, Agosto 12, 2011

others



ang ganda ganda
ng kanilang mga tula
kung ikukumpara
sa aking mga gawa

kung iyong mababasa
ang kanilang mga obra maestra
ikaw ay mamangha
at sa kanila ay hahanga

sa bawat salita
ng mga tula nila
puso ay madadama
matatamaan kang talaga

nagsisisi ka na ba
kung bakit mo ito binasa pa?





date created: february 19, 2011
created by: R. Abadilla

but why can't i


you are my life's bane
but why can't i complain?
you are a regret
but why can' i forget?

you are the reason of my problem
but why can't i resist you like a gem?
you are the reason of my sorrow
but why can't i make you a foe?

you are a nuisance
but why can't i smile when i I feel none of your existence?
you are so annoying
but why can’t I stop my laugh when you are joking?

you are just a trash
but why can’t i tell my heart to stop making this trash a crush?





date created: february  19, 2011
created by: R. Abadilla

tres marias



tingnan mo nga sila
maatalino at magaganda
mula ulo hanggan paa
wala akong pamana

magagaling humawak ng kamera
magagaling pang tumula
mahilig pa sa english na wika
wala ako kahit kalingkingan lang nila

mapakataas ng kanilang mga marka
sa lahat ng asignatura
eh ang akin napakababa
lalo na sa matematika

napakahina ko
pwede na bang sumuko?





date created: february 18, 2011
created by: R. Abadilla

whenever


may i stare at you
whenever i'm blue?
may you sit beside me
whenever i am lonely?

may i hold your hand very tight
whenever something is not right?
may i borrow just your shoulder
whenever i want to cry louder?

may i ask a very important quesion?
won't you bother if you're my inspiraion?





date created: february 17, 2011
created by: R. Abadilla

palusot dot com



pinipilit ko ang sarili ko
na sa iyo ay lumayo
pinipilit ko ang puso ko
na huwag tumibok para sa iyo

pilit kong binalikan
ang dati kong kaibigan
para ikaw ay makalimutan
mawala na sa aking isipan

ngunit bakit kahit anong ang aking gawin
ay hindi pa rin mawala ang aking pagtingin?





date created: janury 24, 2011
created by: R. Abadilla

happy birthday to you



ngayong iyong kaarawan
sana ako ay iyong hayaan
na ikaw ay aking bibigyan
ng regalo sa ganitong paraan

ang tulang ito ay naglalaman
ng purong katatawanan
este pambobola at kalokohan...
i mean, purong katotohanan

pwera biro
itaga mo man sa bato
napakaganda mo
ang bait at napakabibo

ako ay nalilito
bakit single ka pa po
sino ang hinihintay mo?
seguro si Noynoy Aquino

joke lang po
huwag sana kayong magtampo
at bigyang ako ng bagsak na grado
sa TLE na klase ko sa iyo





date created: december 30, 2010
created by: R. Abadilla
 

Copyright © 2008 Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez | Blog Templates created by Web Hosting Men